Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pag-atake ng mga rebelde sa anibersaryo ng kilusan sa Disyembre 26.
“Ang PNP po ay mananatili sa kanyang active defense posture hanggang matapos po itong bagong taon at hindi po natin ipu-pullout 'yung ating mga nakalatag na seguridad nationwide at kasama na rin po dyan 'yung ating paghahanda nga po na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa darating po na December 26,” pagdidiin ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang television interview nitong Sabado.
Mananatili aniya silang nakaalerto hanggang matapos ang Bagong Taon upang hindi sila malusutan ng mga tauhan ng CPP-News People's Army (NPA).
"Base sa salita na rin po ng ating chief PNP ay we are not inclined to recommend po 'yung suspension po ng police operation, and we rather maintain 'yung ating active defense posture so that we can somehow be ready in case there are possible enemy atrocities, hanggang matapos po itong taon,” ani Fajardo.
Masasabi rin aniya nila na "generally peaceful" ang pagdaraos ng Simbang Gabi dahilwalang naitalang karahasan.
Matatandaang inihayag ng CPP-NPA na hindi sila magpapairalng ceasefire laban sa gobyerno ngayong Kapaskuhan, lalo pa't namatay na ang founder ng kilusan na si Jose Maria Sison sa The Netherlands kamakailan.