NUEVA ECIJA -- Ilang oras bago mag-Pasko, inaresto ng awtoridad ang dalawang wanted person sa Nueva Ecija nitong Sabado, Disyembre 24.

Sinabi ni Police Col. Richard Caballero, officer-in-charge ng Nueva Ecija PPO, ang top most wanted person para sa kasong rape, walang bail, ay naaresto ng Cabiao Police sa Brgy, Entablado, Cabiao, Nueva Ecija.

Bukod dito, naaresto rin ang isa pang wanted na si alyas "Romeo" sa Brgy. Tibag, Baliuag, Bulacan para sa RIR in Homicide na may inirerekomendang piyansa na P30,000.

Ang mga akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga operating unit. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol