Bawal pa ring ipasok sa Cebu ang mga buhay na baboy, karne nito at produkto mula sa Iloilo at Guimaras matapos palawigin pa ng anim na buwan ang pagpapairal nito.

Natapos na nitong Disyembre 12 ang dati nang pinaiiral na pork ban sa lalawigan, ayon kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa isang pulong balitaan nitong Huwebes.

Magkakabisa ang ipinaiiral na ban hanggang Hunyo 30, 2023.

"We are actually continuing the very, very strict monitoring on all ports and we continue to prohibit the entry of pork, live hogs, and pork-related products coming from Panay Island. This will now extend to Guimaras because there are now cases that have been discovered,” katwiran ni Garcia.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Nauna nang iniulat ng Department of Agriculture (DA) ang unang kaso ng ASF sa Guimaras nitong Disyembre 16.

“We have made Cebu ASF (African swine fever)-free and we continue to be ASF-free. This gives really much opportunity to hog raisers to be able to supply other areas and, in fact, we really are supplying other areas that have been stricken with ASF,” dagdag pa ni Garcia.

Philippine News Agency