Ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda silang tumulong sa mga legal na proseso kasunod ng pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Matatandaang kinumpirma mismo ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Huwebes ng gabi, Abril 16, 2026 na nahuli si Co at kasalukuyan na itong nakakulong sa Prague, Czech Republic.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Marcos na nakakulong si Co matapos umano itong tumawid sa Czech Republic nang wala umanong tamang dokumento.
Basahin: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM
Samantala, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang PNP sa mga ahensya ng Pilipinas kaugnay sa pagkakaaresto kay Co.
"The PNP is actively verifying this development through official channels and coordination with concerned agencies and international law enforcement partners," ayon kay PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez, Jr.
Dagdag pa niya, nakahandang sumuporta ang PNP sa mga legal na proseso, kabilang ang koordinasyon sa posibleng pagbabalik-Pilipinas ni Co.