Nasa 193 na note verbale ang iniharap na ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa mga insidente ng pambu-bully ng Chinese Coast Guard (CCG) laban sa tropa ng gobyerno sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan.

"For 2022- 193 NVs were sent of which 65 note verbales (NVs) were during this administration," paliwanag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza sa mga mamamhayag.

Sa naturang bilang ng NVs, 65 na ang naipadala ng Marcos administration, ayon sa ahensya.

Sinabi ng DFA, naipon na ang mga nasabing NV na nag-ugat sa mga insidente sa WPS na kinasasangkutan ng mga tauhan ng CGG.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Matatandaangnaghain ng diplomatic protest ang Pilipinas nitong Disyembre 12 kaugnay ng pag-agaw ng CGG sa bahagi ng

Chinese rocket na natagpuan ng Philippine Navy sa Pag-asa Island nitong Nobyembre 20, 2022.

Dahil sa insidente, naglabas ng resolusyon ang Senado na kumokondena sa paglusob ng CCG sa teritoryo ng Pilipinas.

Nauna nang isinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na plano nitong bumisita sa China sa Enero 2023 at inaasahang makipagpulong kay President Xi Jinping upang talakayin ang usapin