Isa nga sa pinakakilalang online personalities ngayon ang YouTuber at aminadong kontrobersiyal na si Zeinab Harake.

Isa nga sa pruweba nito ang pagtabo na ng nasa mahigit 5 billion views ang “#ZeinabHarake” sa patok na social media platform na TikTok.

Zeinab Harake/IG story

Pelikula

ALAMIN: Mga kinagiliwang Kapuso-Kapamilya tandem sa pelikula!

Hindi naman lingid sa marami ang kaliwa’t kanang naging mga isyu at kontrobersiya na hinarap ng online star ngayon taon.

Nariyan ang patuloy pa ring naging usap-usapan na relasyon nila ng dating partner na si Skusta Clee at ilang mga personalidad na may kaugnay dito.

Basahin: Zeinab Harake, sinipa at nakaalitan ang bagong jowa ni Skusta Clee sa isang bar sa QC? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Naging trending topic din ngayong taon ang umano’y bagong lovelife ni Zeinab kung saan nadawit nga ang ilang pribadong kaibigan ng online personality.

Basahin: Isang ‘hottie’ engineer, nali-link kay Zeinab Harake; netizens, kinuwelyuhan muli si Skusta Clee – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi rin makakalimutan ng marami ang viral at trending na bardagulan ni Zeinab Harake sangkot ang ilan pang naglalakihang digital creators kasama na ang manager na si Wilbert Tolentino.

Basahin: Timeline: Paano humupa ang bardagulang Wilbert Tolentino at Zeinab Harake? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman kontrobersyal,  sa pagtatapos ng taon, isang masayang ika-24 kaarawan pa rin kamakailan ang tila magsasara sa maingay at makulay na buhay ni Zeinab ngayong taon.

Basahin: Zeinab Harake, faney na faney ni Anne Curtis, todo-kilig nang i-follow siya sa IG – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Abot-abot naman ang pasasalamat ng YouTube star sa patuloy na sumusuporta sa kaniya sa kabila ng mga kinaharap na kontrobersiya.

Ngayong 2022, kinilala rin si Zeinab at ang kaniyang YouTube channel bilang isa sa top creators sa bansa.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 13.2 million subscribers at 810 million lifetime views na ang inani ng naturang channel ni Zeinab.