Isinapubliko ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1), nitong Biyernes ang pinaigsing special operating hours nito sa Disyembre 24 (bisperas ng Pasko) at Disyembre 31, bisperas ng Bagong Taon.

Sa abiso ng LRMC, aalis sa Baclaran Station ang huling biyahe ng LRT1 sa Disyembre 24 dakong 8:00 ng gabi.

Dakong 8:15 ng gabi, aalis naman ang huling biyahe ng tren sa Roosevelt Station.

Sa Disyembre 31, dakong 7:00 ng gabi ay aalis ang huling biyahe ng tren sa Baclaran station at pagsapit ng 7:15 ng gabi, aarangkada ang huling biyahe nito sa Roosevelt station.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Babalik ang biyahe ng LRT1 sa Enero 1, 2023, sabi pa ng naturang kumpanya.