Ibinahagi ng aktres na si Ina Feleo sa kaniyang social media account ang ilang larawan kung saan kasama niya ang yumaong ama na si Johnny Delgado sa Hong Kong.
Sey ni Ina, palaging nakasuporta ang kaniyang ama sa mga bagay na gusto niyang i-pursue.
"Memory lane Daddy was always supportive of all things I pursued, especially my skating," aniya.
"These were some photos from our trip to Hong Kong for a skating workshop. Super food trip siya while I stayed with my constant love for fried chicken #savethephotos #memoriesareeverything."
Matatandaang pumanaw ang batikang aktor na si Johnny noong Nobyembre 2009 dahil sa cancer.