Ginantihan ng Magnolia ang Ginebra San Miguel matapos padapain sa Game 2, 96-95, ng kanilang semifinals series sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Biyernes ng hapon.

Si Paul Lee ang bumuhat sa Hotshots nang pumasok ang kanyang bank shot sa kabila ng depensa ni Justin Brownlee sa papaupos na oras sa final period.

Binura ni Lee ang tres ni Stanley Pringle, 95-94 bentahe ng Gin Kings.

Naka-24 puntos si Lee, habang naka 23 naman ang import na si Nick Rakocevic.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Kumana rin si Jio Jalalon ng 15 puntos, dagdag pa ang 10 puntos ni Calvin Abueva.

Nagsalansan lang ng 17 puntos si Pringle habang ang kakamping si Scottie Thompson ay pumitas lang 12 points.

Tabla na ngayon sa 1-1 ang serye ng Magnolia at Gin Kings.