Balik “Kapuso” ang King of Talk na si Boy Abunda nang pumirma ito ng kontrata sa GMA Network nitong Huwebes, Disyembre 17.

Inalala ng TV host na nag-umpisa siya sa network noong mayroon pa raw siyang buhok. 

“Nag-umpisa ako sa GMA noong meron pa akong buhok. Ngayon, wala na pero laban pa rin po,” sey niya.

"Pero mula sa aking puso salamat sa inyong tiwala sa aking kakayahan bilang isang presenter, talk show host at interviewer," dagdag pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"I will commit to working hard, to doing the best I can to be able to deliver the best entertainment, best interviews, and best shows that I am going to do with GMA-7," pagpapatuloy pa nito sa kaniyang panayam sa GMA Network.

Matatandaang nagbigay ng patikim ang GMA sa kanilang Instagram page tungkol sa pagbabalik ng isang showbiz icon.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/07/isang-showbiz-icon-magbabalik-kapuso/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/07/isang-showbiz-icon-magbabalik-kapuso/

Unang napanood si Abunda sa Kapuso talk shows na "Show and Tell" at "StarTalk."

Kasalukuyan din itong may "talkshow" sa kaniyang YouTube channel na may title na "The Interviewer."