Diniskuwalipika na ng Commission on Elections (Comelec) siCagayan Governor Manuel Mamba dahil sa paglabag sa spending ban sa katatapos na 2022 elections.

Sa pahayag ng Comelec-2nd Division nitong Huwebes, nakitaan ng ebidensyang nilabag ni Mamba ang 45 days election ban sa pagpapalabas ng pondo.

Nilinaw ng Comelec, isang programa lang ng local government unit ang exempted sa ban--ang "No Barangay Left Behind (NBLB) project na dapat munang ipaalam sa ahensya ang gagamiting pondo.

Sa ruling ng Comelec, hindi sinunod ni Mamba ang requirement kaya naging iligal ang pagpapalabas nito ng pondo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Suffice it to say, failure to comply with the condition set by the Commission on the grant of exemption, nullifies the said exemption. Briefly stated, in this case, it may be considered that the grant of exemption for the NBLB is nullified, and thus, the disbursement of funds therefore is illegal for want of authority from the Commission, ayon sa resolusyon.

Nag-ugat ang usapin nangmagreklamo ang katunggali ni Mamba a si Zarah Rose de Guzman Lara na natalo sa nakalipas na halalan.

Sa alegasyon ni Lara, sangkot umano si Mamba sa laganap na vote-buying incident, gamit ang pondo ng provincial government.

Gayunman, sinabi ng Comelec na walang nailabas na ebidensya ang kampo ni Lara na susuporta sana sa alegasyon nito laban kay Mamba.

Binigyang-diin naman ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, maaari pa ring maghain ng motion for reconsideration si Mamba sa loob ng limang araw.