Patay ang isang anak ni Lutayan, Sultan Kudarat Mayor Pax Mangudadatu at kaibigan nito matapos pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang lalaki sa nasabing lugar nitong Martes ng gabi.

Dead on arrival sa ospital si Datu Naga Mangudadatu, 30, taga-Brgy. Tamnag, Lutayan, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Binawian naman ng buhay habang ginagamot sa ospital ang kanyang kaibigan na siDennis Hadji Daup, 25, taga-Mangudadatu, Maguindanao del Sur.

Sugatan sa insidente si Watari Kalim, 34, at isang 11-anyos na lalaki, kapwa taga-Brgy. Paitan, Mangudadatu.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ni Lutayan Municipal Police chief, Capt. Leonel Delasan, dakong 6:30 ng gabi nang lusubin ng mga hindi nakikilalang lalaki sina Mangudadatu at Daup habang sila ay nasa palengke.

Bigla na lang umanong pinagbabaril ang dalawa at matapos ang insidente ay kaagad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang pick-up.

Nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang mga awtoridad sa ikatutukoy ng mga suspek at motibo sa krimen.

Philippine News Agency