Umarangkada muli nitong Lunes, Disyembre 12, ang pagpaparehistro ng mga bagong botante, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa pahayag ni Comelec SpokespersonJohn Rex Laudiangco, puntirya nila ang 1.5 milyong maidadagdag na botante sa naturang registration na hanggang Enero 31, 2023.

Isasagawa aniya ang voter registration sa mgaOffice of the Election Officer ng lungsod, munisipyo o distrito kung saan nakatira ang aplikante,mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon kada araw, Lunes hanggang Sabado.

Paglilinaw ni Laudiangco, walang magaganap na registration sa bisperas ng Pasko (Disyembre 24) at bisperas ng Bagong Taon (Disyembre 31).

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Layunin aniya ng Comelec na matapos kaagad ang voter registration bilang paghahanda sa Barangay, Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa Oktubre 2023.