Dumating na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Brussels, Belgium nitong Lunes ng madaling araw para sa dadaluhang tatlong araw na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Summit.
Sa pahayag ng Office of the Press Secretary, dakong 2:55 ng madaling araw nang lumapag sa Brussels International Airport ang flight PR 001 na sakay si Marcos at delegasyon ng Pilipinas.
Inaasahang sisimulan ni Marcos ang pagbisita sa Brussels sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa Filipino community sa Belgium at sa Luxembourg.
Sa kanyang pakikibahagi sa ASEAN-EU Summit, ilalatag ng Pangulo ang prayoridad ng administrasyon nito katulad ng pagpapalawak ng pagpapaunlad sa agrikultura, kalakalan at maritime cooperation.
“This will be the first meeting between ASEAN and EU Member States’ Leaders at the EU Headquarters and I am pleased to highlight the Philippines’ role as country coordinator for ASEAN in its dialogue relations with the EU,” bahagi ng departure speech ni Marcos sa Villamor Airbase nitong Linggo ng gabi.
Makikipagpulong din si Marcos sa mga pinuno ngBelgium, Estonia, the Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, Netherlands at European Union.