Payag umano ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca na magbuyangyang at maghubo't hubad sa harap ng camera, ngunit kung ang proyekto ay para sa isang international project, gaya sa Hollywood, o kaya sa iba pang international film festivals kagaya ng Cannes o Venice.

Iyan ang kaniyang kondisyong sinabi niya sa naganap na solo press conference para sa pelikulang "My Father, My Self" na isa sa mga entry sa 2022 Metro Manila Film Festival, kasama sina Sean De Guzman at Dimples Romana, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Pinaglaban daw ni Direk Joel na R-16 ang maging rating nito sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB subalit sa huli, R-18 daw ang ibinigay ng ahensiya sa pelikula.

"I have not done a frontal yet. I have not yet and I have no limitations. But certainly, I will choose the film in which I will do the frontal nude scenes. Not just any film," sey ni Jake, ayon din sa ulat ng Manila Bulletin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Pero if it’s a regular movie lang, huwag na lang. Kung hindi naman sigurado na makakarating tayo roon sa Hollywood, Cannes or Venice, then I won’t do it."

“Ako naman, even if I haven’t done any frontal scenes, I have shown a lot. I’ll save that for the big one. I’ll save that for the big movie,” ani Jake.

Matatandaang sa paglabas pa lamang ng trailer ng pelikula ay marami na ang nawindang sa plot twists nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/08/higupang-malala-mga-netizen-shookt-sa-plot-patikim-na-eksena-nina-jake-at-sean-sa-upcoming-movie/">https://balita.net.ph/2022/11/08/higupang-malala-mga-netizen-shookt-sa-plot-patikim-na-eksena-nina-jake-at-sean-sa-upcoming-movie/

Natanong pa si Jake kung nasarapan ba siya sa "higupan scenes" nila ni Sean.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/30/jake-cuenca-nasarapan-at-nasiyahan-ba-sa-higupan-scene-nila-ni-sean-de-guzman/">https://balita.net.ph/2022/11/30/jake-cuenca-nasarapan-at-nasiyahan-ba-sa-higupan-scene-nila-ni-sean-de-guzman/