Pumanaw na angPilipinas Got Talent Season 1 winnerna si Jovit Baldivino nitong Biyernes, Disyembre 9, sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

Sa Facebook account ng kaniyang misisna si Camille Ann Miguel, nagpost ito ng larawan nilang mag-asawa, aniya "ASAWA KO😭😭😭😭😭😭😭😭😭"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinumpirma rin ito ng Jesus of Nazareth Hospital sa pamamagitan ng isang radio station na Brigada Batangas.

Matatandaang naospitalang 29-anyos na singer noong Disyembre 4.

Nauna na ring pinabulaanan ng kaniyang misis ang mga fake news na nagsasabing nag-collapse o nahimatay si Jovit habang nasa isang party sa Batangas.

Mababasa sa kaniyang caption sa Facebook post, “Sa lahat po ng nagpo-post (tungkol) sa asawa ko siguraduhin n’yong tama ang post n’yo at di kayo nakakatulong lalo n’yo pinalalala di kayo nakakatulong, matuto kayo humingi ng permission… ‘wag n’yo pong palalain ang sitwasyon niya!!!!!!”

“Makapagpost lang kayo… prayers po ang kailangan namin di ang maling post n’yo!”

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/06/pgt-season-1-winner-jovit-baldivino-naospital-pero-di-nag-collapse-sey-ng-misis/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/06/pgt-season-1-winner-jovit-baldivino-naospital-pero-di-nag-collapse-sey-ng-misis/

Huling napanood si Jovit sa telebisyon nito lamang Nobyembre sa game show ng GMA Network na "Family Feud."

UPDATE: https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/