Inakusahang nanggahasa ng isang fan na may kapansanan noong 2001 ang miyembro ng Backstreet Boys na si Nick Carter.

Sa isang press conference na livestream sa Facebook, maluha-luhang sinabi ni Shannon "Shay" Ruth na si Carter ay sekswal na sinaktan siya sa tour bus ng banda noong siya ay 17-taong gulang pa lamang taong 2001.

"The last 21 years have been filled with pain, confusion, frustration shame and self-harm that are a direct result of Nick Carter raping me," pahayag ng ngayon ay 39-anyos nang biktima.

"Even though I'm autistic and live with cerebral palsy, I believe that nothing has affected me more than or had a more lasting impact on my life than what Nick Carter did and said to me," ani Shay.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Pagbabahagi ng biktima, habang naghihintay siya ng autograph ay inimbitahan siya ni Carter sa tour bus ng banda.

Nang nasa bus na ay pinainom umano si Shay ng 'VIP' juice. Pagkatapos ay dinala umano ni Carter si Shay sa cr at sapilitang pinag-oral sex ang biktima.

Dagdag pa ng biktima, pagkatapos siyang halayin ay tinawag siyang 'retarded bitch' at sinunggaban siy ng suspek, na nagresulta sa pag-iwan ng mga pasa sa braso.

Ani Shay, nanatili siyang tikom ang bibig dahil natatakot siyang mapadala siya sa bilangguan kung sasabihin niya sa sinuman ang kanyang mga akusasyon.

Naniniwala rin si Shay na hindi free-pass ang pagiging celebrity ni Carter upang takasan ang mga umanong krimen nito.

"My motivation for coming forward today and filing this lawsuit is to stop Nick Carter from assaulting more teens and women. I know now that I wasn't the only woman Nick Carter did this to," ani Shay.

Hindi lang ito ang kauna-unahang akusasyon na ibinato kay Carter.

Noong 2017, inakusahan ng Dream singer na si Melissa Schuman si Carter ng sexual assault sa kanya noong 2003.