Matapos ang matagal na paghihintay, inilabas na ang unang episode ng drag-reality TV show ng “Drag Den Philippines” ni Manila Luzon, Huwebes ng gabi, Disyembre 8, 2022.

Kanya-kanyang paandar ang mga drag queens na sina Aries Night, Barbie-Q, Lady Gagita, Maria Christina, Naia, Odasha, Pura Luka Vega, at Shewarma sa kanilang unang “Drag Test” kung saan ibinida ng mga queens ang iba’t ibang Pinoy national symbols sa pamamagitan ng kanilang drag outfits.

Nagustuhan ng guest “Drag Enforcer” na si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang face shield-inspired costume ni Lady Gagita.

Sa naganap na “Main Drag Showdown” naman, wagi si Shewarma sa kanyang Higantes Festival national costume na idinisenyo ng Drag Race Philippines host na si Paolo Ballesteros.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Naloka naman ang mga beki sa twist ng Drag Den PH nang inanunsyo ni Manila Luzon na walang magaganap na elimination sa buong season ng programa, linggo-linggong haharap ang mga queens sa iba’t ibang challenges at pipiliin ang top 3 queens na siyang papasok sa finale upang maging kauna-unahang “Drag Supreme” ng kompetisyon.

Trending sa social media ang unang pasabog ng Drag Den Philippines, na siyang mapapanood tuwing Huwebes, alas-siyete ng gabi sa Prime Video.