Paiigtingin pa ng Davao City government ang ipinatutupad na firecracker ban ngayong Kapaskuhan.
Binanggit ni Public Safety and Security Office (PSSO) chief Angel Sumagaysay, alinsunod ang kanilang hakbang sa City Ordinance No. 060-02 (Total Firecracker Ban) na nagbabawal na gumamit, magbenta, gumawa at mamahagi ng mga paputok.
“The city’s security units have already been briefed as to the full implementation of the ban. I have already sent a memo to our security forces to really implement the ordinance,” ayon kay Sumagaysay.
Nanawagan din ito sa mga magulang na pagbawalan ang kanilang anak na gumamit ng kanyon na kawayan dahil sa panganib na maidudulot nito.
“The security cluster is aiming to keep the city’s record of zero-incidence of injuries and property damages relating to firecrackers,” ayon sa kanya.
Bukod dito aniya, mag-iikot din ang mga tauhan nito sa mga ospital upang bantayan ang mga biktima ng paputok o ligaw na bala.
“Surveillance in all hospitals will be heightened on December 24, 25, 31, and January 1,” aniya.
"Under the ordinance, first-time violators are fined PHP1,000 or 20 to 30 days imprisonment or both; second-time offenders are fined PHP3,000 or one to three months imprisonment or both; third-time violators are fined PHP5,000 or three to six months imprisonment or both," ayon pa kay Sumagaysay.
Philippine News Agency