Ito ang patikim na hirit ng GMA Network nitong Miyerkules.

Sa kanilang Instagram page, inanunsyo ng Kapuso Network ang pagbabalik nga ng isang showbiz icon. Ang twist, nananatili pa itong sekreto sa ngayon.

“Handa na BA ang lahat para sa HOMECOMING ng isang SHOWBIZ Icon?😉” mababasa sa naturang post.

“Abangan ang kanyang pagbabalik sa GMA coming soon!” dagdag nito.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Dahil sa iniwang clue sa caption na "BA" at maging sa larawan na isang upuan, agad na may hula ang maraming netizens.

Anila, ang walang iba kundi si “King of Talk” Boy Abunda ang magbabalik-Kapuso. Ito'y matapos ang ilang buwang espekulasyon na susunod na career move ng batikang host.

“THE KING OF TALK,” siguradong komento ng isang Kapuso viewer.

“Syempre si Boy Abunda yan.”

“Boy Abunda na yan!”

“Boy abunda🤩🤩🤩”

“Boy Abunda 😍”

Ilang netizens naman ang umaasang si Angel Locsin na ito.

Samantala, sa isang panayam noong Nobyembre, inamin ng batikang host na hindi umano madali para sa kaniya ang naging desisyon. Ito'y matapos din maispatan si Boy sa GMA noong mga nakaraang buwan.

“As of now, as I talk, hindi talaga madali. Hindi ako nagsisinungaling sa, “Di ko pa alam.” Pero maganda dahil I will sure I won’t burn bridges kung saka-sakali. Matuloy man o hindi; kung saan man ako, TV 7 or [GMA] 7 or kung ano pang istasyon, I will make sure na makikipag-usap ako nang matino,” pagbibigay detalye ni Boy noon.

Dagdag niya, pinahahalagahan umano niya ang mga nabuong relasyon kaya naman mahirap ang naturang proseso ng kaniyang pagdedesisyon.

Basahin: Kapuso muli? Boy Abunda, nakatakdang magbalik-telebisyon: ‘Tatlong taon na akong walang trabaho’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Nag-umpisa ko sa karera ko sa telebisyon sa Channel 7. Parati kong sinasabi na doon ako natutong lumakad, natuto akong lumipad sa ABS-CBN. Sa dami nang tulong ng marami, I didn’t do this thing alone. Mahirap dahil may mga relasyon akong pinangangalagaan,” dagdag na saad niya.

Sa lilipatang istasyon dapat umanong nauunawaan ang batikang host na nasa industriya na sa loob ng nasa 30 taon.

“Hindi naman ako 20 years old. Malapit na akong malaos. Let’s be very honest. All of us will go,” aniya pa.

Inaasahan naman ni Tito Boy na muli siyang matutunghayan sa isang talk show sa oras na bumalik sa telebisyon.