Ginulantang ng 5.3-magnitude na pagyanig ang Camarines Norte na tumama rin sa malaking bahagi ng bansa, kabilang na ang Metro Manila, nitong Miyerkules ng hapon.

Sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 1:05 ng hapon nang maramdaman ang sentro ng pagyanig 24 kilometro hilagang silangan ng Tinaga Island sa Camarines Norte.

Naramdaman din ang Intensity V sa Mercedes at Jose Panganiban sa naturang lalawigan.

Naitala naman ang Intensity IV sa Buenavista, Jomalig, Polillo, at Quezon sa Quezon; Capalonga, Daet, Labo, at Vinzons, Camarines Norte; Pamplona, Presentacion, at Ragay sa Camarines Sur.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Niyanig din ng IntensityIII ang City of Manila; City of Taguig; Alabat, Catanauan, Guinayangan, Gumaca, Pitogo, at Tagkawayan, Quezon; Tanay, Rizal; Boac, at Santa Cruz,Marinduque; City of Iriga, Minalabac, Pili, San Fernando, at Siruma, Camarines Sur; Donsol sa Sorsogon.

Inuga rin ng Intensity II ang City of Mandaluyong; Quezon City; Pasay City; City of Pasig; City of Meycauayan, Bulacan; Batangas City, at Talisay, Batangas; Infanta, Lucban, atPerez sa Quezon; Buenavista, at Mogpog, Marinduque; City of Legazpi, at City of Ligao sa Albay; Goa, San Jose, at Tinambac sa Camarines Sur at nakaranas ng Intensity 1 sa Alfonso, Cavite; at Santa Cruz sa Laguna.

Sinabi ng Phivolcs na tectonic o paggalaw ng mga aktibong fault line malapit sa lugar ang sanhi ng pagyanig.

Walang inaasahang pinsala ang pagyanig. Gayunman, inaasahang maramdaman ang aftershocks nito.