STO. TOMAS, Batangas -- Nasawi ang dalawang babae matapos mabangga ng dalawang beses habang tumatawid sa lansangan sa Brgy. San Miguel nitong lunes ng madaling araw, Disyembre 5.

Kinilala ang mga biktima na sina Nerissa Tan, 60 at Genelyn Peñaroyo, 51 at parehong residente ng Sta. Cruz, Marinduque. 

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga biktima ay bumaba sa kanilang sasakyan at tumatawid nang mabangga ng isang Hyundai van na may plakang CTY 587 na minamaneho ni Noli Rojero, 29, at residente ng siyudad na ito at muling nabangga ng isang Toyota Hi-Lux na may plakang DBF 2368 na minamaneho ni Richard Perol, 33, at residente ng Tanauan City dakong ala-1 ng madaling araw.

Nagtamo ang mga biktima ng grabeng pinsala sa katawan. Agad silang isinugod sa magkahiwalay na pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa imbestigasyon, ang mga biktima ay galing sa kabilang kamag-anak sa Cavite sakay ng van at pansamantalang tumigil para magtungo sa palikuran.

Samantala, ang dalawang driver ay pansamantalang nasa kustodiya ng Sto. Tomas City habang nagsasagawa ng pagsisiyasat at inihahanda ang kaukulang reklamo.