Pasok na sa quarterfinals ang Rain or Shine (ROS) matapos ilaglag ang NLEX Road Warriors, 110-100, sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Linggo ng gabi.

Pinangunahan niRyan Pearson ang Elasto Painters sa nakuhang 24 puntos at siyam na rebounds.

Malaking suporta rin ang naiambag sa koponan ni Andrei Caracut sa nakolektang 19 puntos, bukod pa ang 15 puntos ni Gian Mamuyac.

Ang pagkapanalo ng ROS ay kumumpleto sa nakatakdang pagsisimula ng quarterfinals sa Miyerkules kung saan maglalaban ang Converge at San Miguel, at Ginebra at NorthPort.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sasagupain naman ng Elasto Painter ang nangungunang Bay Area Dragons na hawak ang twice-to-beat advantage sa Biyernes na susundan ng salpukan ng Magnolia at Phoenix.