Apat katao ang nasawi, kabilang ang isang 7-anyos na lalaki, at walo ang naiulat na nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Gonzaga, Cagayan nitong Sabado ng gabi.

Binawian na ng buhay saAlfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital ang mag-asawang Donato atMarineth Barsatan, taga-Brgy Malumbit Sur, Flora, at kapitbahay na si Velvet Geron.

Dead on arrival naman sa ibang ospital ang anak ng mag-asawang Barsatan na siPrince Loui Zhane Barsatan, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Isinugod naman sa ospital sina Mencho Soriano, 22, Lean Lei Pascua, 26, kapwa taga-Brgy. Ipil, Gonzaga; Reymark Puli, 24, Marvie Barsatan, 35, Liam Clyde Barsatan, 4, Mark Jansen Barsatan, 9, Xian Kurt Barsatan, 8, atGuillian Joe Torres, 8, pawang taga- Brgy. Baua, Gonzaga, Cagayan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa report ng pulisya, dakong 11:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa National Highway,Ipil, Gonzaga, Cagayan.

Sinabi ng mga awtoridad, minamaneho ni Rodolfo Batin,56, taga-Brgy. Arellano, Quezon Isabela, ang isang sports utility vehicle, nang masalpok nito ang kasalubong ng dalawang tricycle.

Apat na binawian ng buhay at mga nasugatan ay pawang pasahero ng dalawang tricycle.

Iniimbestigahan pa ngpulisya ang sanhi ng aksidente.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Batin at nahaharap sa kasongReckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide, Multiple Physical Injuries at Damage to Property.