Humataw ang suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa TikTok kasabay si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Mocha Uson.

May caption na "Weekend Na!" ang Tikton entry ni Mocha sa saliw ng dance trend na Replay x Spin Back ni Jeremiah Custodio.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa si Mocha sa vloggers na pinulong ni Bantag sa Baguio City.

Matatandaang ipinatawag ng Department of Justice o DOJ si Bantag upang dumalo sa preliminary investigation sa kasong may kaugnayan sa pagpaslang sa komentaristang si Percy Lapid at presong si Jun Villamor na siya umanong middleman naman.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Laban Sir Bantag!"

"Ano kayang reaksiyon ni DOJ Sec pag nakita 'to?"

"Hehehe Gen. Bantag sayaw mo ba 'yan kay Boying hehe."

"Bantag lang sakalam… halata sa mukha ni idol Bantag na wala siya kasalanan kasi always siya naka-smile."

Samantala, wala pang reaksiyon si DOJ Secretary Remulla tungkol dito.