Nagpatupad na ng taas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis nitong Huwebes, Disyembre 1.

Nasa ₱2.25 ang idinagdag sa presyo ng kada kilo ng LPG ng Petron na katumbas ng ₱24.75 na taas presyo sa kada 11 kilograms ng tangke nito.

Nagpatupad din ang Petron ng ₱1.26 dagdag na presyo sa kada litro ng kanilang auto LPG.

Nasa ₱2.27 naman ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng Solane na katumbas ng ₱24.97 na taas presyo sa kada 11 kilograms na tangke nito.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Ang price adjustment ay ibinatay ng kumpanya sa international contract price para sa buwan ng Disyembre.