Maganda ang pasok ng Disyembre para sa Pinoy pageant fans matapos masungkit ni Meiji Cruz ang korona ng Miss CosmoWorld para sa Pilipinas na ginanap sa St. Regis, Kuala Lumpur, Malaysia, Miyerkules ng gabi, Nobyembre 30, 2022.

Si Meiji, na siyang 2nd runner-up sa 2021 na edisyon ng Binibining Pilipinas ang siyang ipinadala ng bansa upang sumali sa nabanggit na pageant. Bilang beteranang kontesera, hindi na ikinagulat ng marami ang tagumpay ng 28-year-old beauty queen.

Miss CosmoWorld 2022 Meiji Cruz

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa final Q&A round ng pageant, tinanong si Meiji tungkol sa sports na kaniyang sinusuportahan at kung bakit. Narito ang kanyang naging winning answer:

“I support all kinds of sports, as it promotes discipline, camaraderie, and sportsmanship just like what I learned here in Miss CosmoWorld. The teamwork we have to be a team player because we have the same vision, as the they say: ‘The team work makes the dream work.’”

Miss CosmoWorld 2022 Meiji Cruz

Runners-up ni Meiji ang mga kandidata mula Uzbekistan at Thailand. Bukod sa korona, mag-uuwi si Meiji ng 1 million Malaysian ringgit at cash prize na 100,000 US dollars.