Ang Viva artist na si Cindy Miranda ang napisil na gumanap bilang "young Imelda Marcos" para sa pelikulang "Martyr or Murderer" o MoM, ayon sa rebelasyon ng direktor nitong si Direk Darryl Yap.
"Cindy Miranda as Young Imelda," saad ni Yap sa kaniyang social media post nitong Miyerkules, Nobyembre 30.
"Matapos ang halos isang buwang pagtitimbang ng mga posibilidad at kalidad; nakatagpo kami ng isang Beauty Queen na may kaparehas na yumi at husay sa pananalita, Pilipinang-pilipina, may ambisyon at di basta pasasakop kaninuman. Ang bahaging ito sa buhay ng IRON BUTTERFLY ang isa sa pinakamakulay. Kilalanin natin ng sabay sina Cindy at Meldy."
Nagsisimula nang gumulong ang mga camera para sa shooting ng MoM na sequel ng "Maid in Malacañang". Ilan nga sa mga naipakilala na sa cast ay sina dating Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso bilang dating senador Ninoy Aquino.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/25/team-macoy-or-team-ninoy-larawan-nina-cesar-at-isko-sa-mom-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/11/25/team-macoy-or-team-ninoy-larawan-nina-cesar-at-isko-sa-mom-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/
Ang aktor naman na si Jerome Ponce bilang young Ninoy, ay nagmula sa katapat na pelikula ng MiM na "Katips" na idinerehe at isinulat ni Tañada.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/24/jerome-ponce-gaganap-bilang-batang-ninoy-aquino-ispluk-ni-darryl-yap/">https://balita.net.ph/2022/11/24/jerome-ponce-gaganap-bilang-batang-ninoy-aquino-ispluk-ni-darryl-yap/
Si Marco Gumabao naman ang gaganap sa papel na young Macoy o dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Ilan sa mga cast member ng MiM ay mapapanood pa rin sa MoM kagaya na lamang ni Cesar Montano na siyang gumanap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Anyway, kung nais makita ang aktingan ni Cindy, mangyaring panoorin ang mga pelikula niya sa Vivamax.