Ready nang makipag-dragdagulan si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa "Drag Den Philippines" sa bagong trailer na ipinalabas ngayong araw, Disyembre 1.

Sa pinakabagong trailer, ipinakilala si Gray bilang "drag enforcer" at makakasama niya sina Miss Grand International 2016 first runner-up na Nicole Cordoves bilang "drag dealer" at social media influencer na si Sassa Gurl bilang "drag runner."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

https://twitter.com/dragdenph/status/1598134772043493377?s=20&t=Bi84qiwt5en8_AWFicDf5A

Sa pangunguna ng host na si Manila Luzon, sina Cordoves at Gray ay makakasama uupo bilang mga hurado, habang si Sassa Gurl ang gagabay sa mga kalahok.

Walong drag queens ang magsasalpukan para maglaban para sa korona sa unang season ng "Drag Den Philippines." Kabilang dito sina O-A, Maria Cristina, Aries Night, Barbie-Q, Shewarma, Pura Luka Vega, Naia, at Lady Gagita.

Mapapanuod ang "Drag Den Philippines" sa Disyembre 8 sa Prime Video.