TIAONG, Quezon -- Patay ang dalawang babae matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek nitong Martes ng gabi, Nobyembre 29, sa Sitio Laluses, Brgy. Talisay ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Jessica Prado Tambado, 28, residente ng Sitio Laluses at Lani Sanchez Caya, 26, residente ng Sitio Villa, Brgy. San Juan. 

Sa ulat ng pulisya, dakong 10:40 ng gabi nang dumating ang mga suspek sa inuupahang bahay ni Tambado at pinagbabaril ang mga biktima sa hindi malamang dahilan. Nagtamo ng mga tama ng bala ang mga ito at namatay. 

Tumakas ang mga suspek sa kulay puting sedan patungo sa direksyon ng San Pablo City, Laguna.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Samantala, love triangle ang tinitingnan na motibo ng pagpatay sa mga biktima dahil pareho umano itong may live-in partner. 

Nagsagawa ng onsite investigation ang mga pulis sa mga testigo malapit sa pinangyarihan ng krimen at nagsagawa na rin ng follow-up operation para sa pagkakakilanlan ng mga suspek. 

Sinusuri na rin ng awtoridad ang kuha ng CCTV sa ruta na tinakasan ng mga suspek.