Ikinabit na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang unang navigational lantern sa Sabtang, Batanes nitong Lunes, Nobyembre 28.

Nagtulung-tulong ang mga miyembro ng PCG-Maritime Safety Services Unit (MSSU) upang maiakyat sa nasabing lighthouse ang naturang parol.

Nagsisilbing gabay ng mga bangka at barko ang nasabing lighthouse upang matiyak na ligtas sila sa paglalayag.

Bukod dito, magkakabit din ang PCG ng navigational lanterns sa tatlo pang lighthouse sa Mahatao, Ivana at Valanga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Ito ay isang 15-day mission at may mga team pong kasama dito galing sa maritime safety service," pahayag naman ni PCG Vice Adm. Rolando Lizor Punzalan Jr., na siya ring deputy commandant for operations.