ISABELA -- Apat na drug personality ang arestado matapos maglunsad ng anti-illegal drug buy bust operation ang mga awtoridad sa Malapat, Cordon sa bayang ito kamakailan.

Arestado noong Lunes sina alyas Noli, 30 at alyas Win Win, 36, kapwa residente ng Malvar, Santiago City; alyas Joey, 44 na residente ng Mayo Uno Las Piñas City, at alyas Rick, 40, residente ng Butuan Agusan Del Norte.

Inaresto ang mga ito matapos magbenta ng hinihinalang heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska rin sa kanilang kustodiya ang kabuuang 18 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa hindi pa natukoy na halaga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tatlong sachet ng iligal na droga ang nakuha kay alyas Rick. Narekober kay Alias ​​​​Joey ang tatlo pang sachet habang nakuha rin ng mga operatiba ang sampung sachet ng shabu sa lugar kung saan nakorner ang mga suspek.

Dinala sa kustodiya ng PNP Cordon ang apat na suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.