Nakikiusap si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Court of Appeals (CA) na pag-aralan muli ang inilabas na temporary restraining order (TRO) laban sa implementasyon ng power supply agreement (PSA) sa pagitan ng South Premiere Power Corporation (SPPC) na pag-aari ng San Miguel at Manila Electric Co. (Meralco).

Sa pahayag ng Office of the Press Secretary (OPS) na isinapubliko nitong Linggo, nangangamba umano si Marcos na magkaroon muli ng panibagong pagtaas o dagdag na singil sa kuryente na resulta ng nasabing ruling ng CA.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya si Energy Regulatory Commission (ERC) chairwoman Monalisa Dimalanta sa naging desisyon ng CA.

Nag-ugat ang TRO nang maghain ng petisyon ang SPPC na humihiling na magdagdag sila ng singil sa kuryente.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Ikinatwiran ng CA, dati nang naglabas ng desisyon ang ERC na nagsasabing nakapirmi na ang napagkasunduangsingil sa kuryente batayna rin sa kanilang PSA at ang dahilan ng SPPC at Meralco para sa pagtaas ng singil ay taliwas at hindi kabilang sa pinapayagang price adjustment.