Pumasok na sa PBA Commissioner's Cup playoffs ang Phoenix matapos dispatsahin ang walang import na Terrafirma Dyip, 135-84, sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Sabado ng gabi.

Sa unang bugso pa lang ng laban, umalagwa na kaagad ang Fuel Masters sa pangunguna ni RR Garcia.

Kumubra si Garcia ng 20 puntos upang tulungan ang koponan na maiuwi ang tagumpay.

Bukod kay Garcia, kumubra sinaEncho Serrano at import Kaleb Wesson ng tig-17 puntos, bukod pa ang 16 puntos ni Jason Perkins.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Hawak na ng Phoenix ang rekord na 6-6, panalo at talo, na nagdala sa kanila sa ikaanim na puwesto.

Nakaapekto sa Dyip ang pagkawala ng import na si Lester Prosper dahil na rin sa usapin sa health protocols.

Tinapos na ng Terrafirma ang kanilang kampanya sa barahang 1-11, panalo at talo.