Inilabas na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang walong official poster ng mga kalahok ngayong taon. 

Ang MMFF 2022 ay may temang "Balik Saya" dahil matapos ang dalawang taon mula nang magka-pandemya, ay magbabalik big screen ang mga pelikula. 

Inilabas ng MMFF ang mga official posters sa kanilang Facebook page nitong Huwebes, Nobyembre 24.

"Ipagdiwang ang panibagong yugto ng kwentong Pilipino. Ngayong MMFF, tunghayan ang samu’t saring emosyon mula sa mga pelikulang amin ihahandog. Halika at manood sa MMFF!" saad nito sa caption.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kabilang sa walong MMFF entries ay ang Deleter, Family Matters, Labyu with an Accent, Mamasapano, My Father, Myself, My Teacher, Nanahimik ang Gabi, at Partners in Crime.

Mapapanood ang mga pelikulang ito mula Disyembre 25 hanggang Enero 7 sa lahat ng sinehan. Nakatakda naman ang 'Gabi ng Parangal' sa Disyembre 27.