Kukumpiskahin na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga imported na isda sa mga pamilihan simula Disyembre 4.
Sinabi ng BFAR, kabilang sa ipagbabawal na ibenta sa palengke ang pink salmon at pompano.
Ayon sa ahensya, isa lang ito sa kanilang hakbang upang tangkilikin ng publiko ang mga nahuhuli ng mga lokal na mangingisda sa Pilipinas.
Paliwanag ng BFAR, 1999 pa nang ipagbawal sa bansa ang mga nasabing imported na isda, alinsunod na rin saFisheries Administrative Order ng BFAR.
Bago magsagawa ng operasyon sa susunod na buwan, iinspeksyunin muna ng BFAR ang mga palengke upang maabisuhan ang mga nagtitinda.
Kaugnay nito, kinumpirma naman ng mga tindera ng isda sa isang talipapa sa Quezon City na nakakakuha pa rin sila ng mga nabanggit na isda sa ilang cold storage facility sa Navotas City.
"Dapat ang hulihin nila ang mga nasa storage sa Navotas. Galing kasi sa kanila ang mga itinitinda namin eh," giit ng ilang tindera na tumangging magpabanggitr ng pangalan.