Lumobo ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis sa bansa ngayong taon, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Sa datos ng DOH, nasa 2,794 na ang naitalang tinamaan ng sakit simula Enero 1 hanggang Oktubre 29.

Sinabi ng ahensya, mataas ito ng 68 porsyento kumpara sa kaparehong panahon nitong 2021 na nakapagtala lamang ng 1,661.

Tumaas din sa 370 ang bilang ng binawian ng buhay sa sakit, kumpara sa 178 na namatay noong 2021.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, nagbabala rin ang ahensya dahil sa inaasahang pagtaas pa ng kaso nito sa kapag tag-ulan dahil mas maraming lumulusong sa baha na kontaminado ng ihi ng daga.

“Ang leptospirosis, expectedly, especially during the rainy season, it increases. Right now, it’s kind of more emphasized, because there would be, on top of the non-communicable diseases, are those people who have kidney ailments,” pagdadahilan naman ni DOH Officer-in-Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam sa telebisyon.

Kabilang aniya sa sintomas ng sakit ang pagkakaroon ng lagnat, giniginaw, pananakit ng kalamnan, pamumula ng mga mata, nagsusuka at paninilaw ng balat at mga mata.