Nagkaroon ng pagkakataon ang showbiz columnist na si Ogie Diaz na makapanayam ang social media personality na si Marlou Arizala a.k.a. Xander Ford, sa kaniyang vlog.

Dito ay kinumusta ni Ogie si Xander kung kumusta na ba ang buhay nito matapos dumaan sa plastic surgery na naitampok pa sa noo'y news magazine show ng ABS-CBN, ang "Rated K".

Naging diretsa rin si Ogie na may "attitude" daw talaga si Xander noon pa man, bagay na unti-unti na raw siyang nagbago, sey ni Xander. Natuto na raw siyang magsabi ng "Please po…" at magpakumbaba.

Isa rin sa mga naungkat ay ang ginawa nitong panlalait noon kay Teen Queen Kathryn Bernardo. Pag-amin niya, binayaran lamang daw siya upang gawing content ito. Halos durugin siya ng followers at fans ni Kathyn at Daniel Padilla, ang boyfriend at katambal nito, na bumubuo sa tambalang KathNiel. Kaya naman, sising-sisi siya sa kaniyang nagawa.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Humingi na raw siya ng paumanhin sa kanila, subalit kung bibigyan ng pagkakataon, nais daw niyang makipagkita nang personal kay Kath para humingi ng dispensa rito.

Sunod namang napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa panibagong yugto sa buhay ni Xander: ang pagiging tatay sa kanilang anak ng partner na si Gema Mago.

Unang nabuking na magkaka-baby na si Xander nang i-post ito ng Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza, na kinukuha niyang ninong.

"Sabi ko wag maingay eh," sansala naman sa kaniya ni Xander.

“Ako tigil-tigilan mo at baka hindi ko matantsa yung mukha mo," sagot ni Xian.

"Kasi naman boss inunahan muna kami mag Revail eh nawala na ‘yung Karapatang pang tao namin. Ay ng GF ko pala Moral suport ako. Dipala ako tao," hirit pa nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/im-a-dad-na-xander-ford-magiging-tatay-na-xian-gaza-kinukuhang-ninong/">https://balita.net.ph/2022/08/08/im-a-dad-na-xander-ford-magiging-tatay-na-xian-gaza-kinukuhang-ninong/

Sa halip na itama ay lalong minali ni Xian ang "revail" ni Xander at ginawa ito ng "revel". Payo ni Xian, mag-masquerade na lamang si Xander sa araw ng gender reveal ng kanilang anak.

Bandang Setyembre nang mag-post ang partner ni Xander na si Gema at makiusap sa publiko na huwag sanang idamay ng bashers ang kanilang magiging anak sa bashing.

"Para po sa mga di pa nakakaalam yes po pregnant po ako for 6 months at ang daddy po ay si Xander Ford," saad ni Gema Mago sa kaniyang Facebook post.

"Alam ko po maraming magsasabi na masyado pang maaga para magka-anak kami and aminado po kami doon pero hindi pa naman po doon natatapos ang journey naming dalawa."

"Hindi po porke't nagka-anak na kami ay doon na titigil ang mga pangarap namin at ang buhay namin. Bagkus, isa po ito sa magiging inspirasyon naming dalawa para mas pag-igihan pa sa mga goal namin sa buhay."

"Papanindigan namin ito at papalakihin namin ang magiging baby namin nang maayos at ipapangako namin na magiging isang mabuting magulang kami sa kaniya," pahayag ni Gema.

May pakiusap naman siya sa bashers ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis.

"Sa mga basher din po okay lang po kami ang ibash ninyo wag lang po yung magiging baby namin please lang," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/10/partner-ni-xander-ford-ipinagmalaki-ang-pagbubuntis-may-pakiusap-sa-bashers/">https://balita.net.ph/2022/09/10/partner-ni-xander-ford-ipinagmalaki-ang-pagbubuntis-may-pakiusap-sa-bashers/

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Kathryn tungkol dito.