Lalo pang nabaon sa pagkatalo ang Terrafirma Dyip matapos yumuko sa San Miguel, 131-103, sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Miyerkules.

Nasa ikaanim na puwesto na ang Beermen sa rekord na 5-5, talo at panalo, habang bumagsak sa 1-10, panalo at talo ang Terrafirma.

Posible pang umangat ang kartada ng San Miguel sakaling manalo sa dalawa pa nilang laro laban sa TNT Tropang Giga at Meralco Bolts.

Si Jericho Cruz ang bumandera sa Beermen sa kanyang produksyong 25 puntos, sumunod sa kanya ang import na si Devon Scott na nagpamalas ng triple-double matapos kumubra ng 21 puntos, 19 rebounds at 11 assists.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sumuporta naman kina Cruz at Scott si June Mar Fajardo na nakaipon ng 20 puntos, siyam na rebounds, habang kumolekta naman si Vic Manuel ng 19 puntos at 12 puntos naman kay CJ Perez.

Pinatumba ng Beermen ang Dyip na naglaro na wala ang import na si Lester Prosper na pauuwiin na dahil isinailalim ito sa health at safety protocols.

Namuno naman sa Dyip si Juami Tiongson na nakakuha pa ng 28 puntos, at nagbulsa naman si Javi Gomez de Liano ng 17 puntos.