Binati nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa kani-kanilang Instagram post ang anak nilang si Ellie sa 11th birthday nito ngayong Miyerkules, Nobyembre 23.

"Happy birthday to this little lady. The past 11 years of my life have been golden because you are in it," ani Andi sa caption ng kaniyang post sa Instagram kalakip ang video na ginawa niya para kay Ellie. 

"hoping it's even just half as amazing for you. I am here for you all the way, my girl 4 life! Moma loves you Ellie!!!❤️❤️❤️" dagdag pa niya. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa Instagram story naman niya, nagpost siya ng tatlong throwback picture nila ni Ellie.

Samantala, simpleng birthday greeting naman ang ibinahagi ni Jake para kay Ellie.

"Daigdig ko. Happy birthday✨" sey niya.

Hindi rin nagpahuli sa mga bumati kay Ellie ang mga showbiz friends na kaniyang mga magulang.