Magpapatupad ng power service interruption ang Manila Electric Company (Meralco) ay sa kahabaan ng Taft Avenue sa Nob. 23, anunsyo ng inabi ng pamahalaan ng Pasay City.

Sa Facebook page nito, sinabi ng Pasay Public Information Office (PIO) na ang nakatakdang pagkaputol ng kuryente ng Meralco ay mula 11:00 p.m. noong Nob. 23 hanggang 4:00 a.m. sa Nob. 24.

Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang mga lugar na maaapektuhan ng power service interruption ay ang Dancel at A. Luna Streets sa kahabaan ng Taft Ave.

Sinabi ni Rubiano na maaapektuhan din ang CTD Development Corp. ng pagkawala ng kuryente dahil sa maintenance work ng Meralco line sa kahabaan ng Dancel St.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Anang alkalde, pinayuhan na ng pamahalaang lungsod ang mga residente na maapektuhan ng power service interruption upang makagawa ng mga kinakailangang paghahanda.

Jean Fernando