Kinalampag na naman ng isang grupo ng mga health workers ang gobyerno dahil sa hindi pa naibibigay na allowance ng mga ito.

Katwiran ni Robert Mendoza, pangulo ng Alliance of Health Workers (AHW), obligasyon ng pamahalaan na ibigay ang matagal nang hinihintay naHealth Emergency Allowance.

“Marami pa po silang utang, mula noong nag-expire'yungating Bayanihan 2 law… noong June 2021. May utang pa sila ng July to December 2021, and then July 2022 up to the present,” paglalahad ni Mendoza sa isang panayam.

“So, malaki na ang utang ng Department of Health sa mga health workers. Ang tawag nga dito, natatawa kami, na sinasabing ‘Health Emergency Allowance’. Pero hindi na yata ‘Health Emergency’. ‘Health Delayed Allowance’ na po ang tawag dito kasi delayed na delayed na para sa mga health workers,” pagdidiin nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Isinisi rin nito ang pagkaantala ng pagpapalabas ng allowance sa kawalan ng permanenteng kalihim ng Department of Health (DOH).

“Ang problema, ang Department of Health nagkaroon ng another supplemental IRR kaya binago lahat ang submission ng mga requirements. Nai-submit naman ito lahat sa ngayon. Ang inaantay na lang talaga, yung release ng budget from the DBM,” aniya.

"Para masaya ang Pasko ng ating mga health workers, kahit unahin sana ang backpay from July to December 2021, kasi malaki din 'yun,” giit pa nito.