Naitala sa intraday trading ngayong Martes, Abril 28, ang pagbagsak ng piso sa bagong historic low nito na ₱61.07 kontra dolyar.
Kasunod ito ng sunod-sunod na pandaigdigang kaganapan gaya na lamang ng krisis sa suplay at presyo ng langis, at maging ang sigalot ng Amerika, Israel, at Iran.
Bago maitala sa unang pagkakataon ang palitang ito, naunang pumalo sa 60 ang piso noong Marso 2026.
KAUGNAY NA ULAT: Bagong record low! Piso, lumagapak sa ₱60 kontra dolyar-Balita
Tinitingnan na rin ng ilang market participants ang ilang salik katulad ng US Federal Reserve, na posible ring nakaaapekto sa sensitibong paggalaw ng piso kontra sa dolyar.