Tinamaan ng magnitude 4.8 na lindol ang karagatang bahagi ng Pangasinan nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang pagyanig 89 kilometro timog kanluran ng Agno sa Pangasinan, dakong 10:18 ng umaga.

Sa pahayag ng ahensya, lumikha ng 12 kilometrong lalim ang pagyanig.

Naramdaman naman ang Intensity 3 sa Agno, Intensity 2 naman sa Bauang at Intensity 1 sa Bani at Bolinao.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi pa ng Phivolcs na tectonic o biglaang paggalaw ng mga fault line sa kalapit na lugar, ang dahilan ng paglindol.

Walang inaasahang aftershocks o pinsala ng lindol, ayon pa sa Phivolcs.