Mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Barangay Lunsad sa Binangonan, Rizal simula alas-10 ng gabi nitong Nob. 19, Sabado, hanggang alas-3 ng umaga ng Nob. 20, Linggo, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Ito ang hatid na anunsyo ni Mayor Cesar Ynares sa Facebook para sa mga residente ng Barangay Lunsad, partikular sa Antiporda, P. Burgos, A. Bonifacio, Villa Calawang, Ynares Street, kabilang ang Globe Cellsite, na kailangang maghanda para sa power interruption kasunod ng anunsyo ng Meralco.

Ang Meralco ay may nakatakdang line reconstruction works sa kahabaan ng P. Burgos Street sa Barangay Lunsad na magreresulta sa limang oras na power service interruption.

Nel Andrade

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?