Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko kaugnay sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 nitong linggo.

Inilahad ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nananatili pa rin sa low-risk case classification sa sakit ang lahat ng lugar sa bansa, bukod pa sa kontrolado ang admission rates sa mga ospital.

Nakapagtala aniya ang DOH ng abot sa 1,296 daily infections sa bansa mula Nobyembre 7 hanggang 13, mataas ng 43 porsyento kumpara sa nakalipas na linggo.

Nilinaw ni Vergeire na kahit kontrolado na ng gobyerno ang nakahahawang sakit ay nag-aalangan pa rin siyang isapubliko na isa nang endemic ang Covid-19.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

"For us to declare it’s already endemic, we need the help of our experts and WHO (World Health Organization) to provide us with this kind of expertise para sabihin na 'Oh, endemic na tayo ngayon," banggit ng opisyal.

Bago aniya umabot sa state of endemicity ang Covid-19, dapat ay nasa acceptable level ang kaso ng sakit na naitatalana sa kasalukuyan.

Naging mababa na rin aniya ang bilang ng severe at critical infections, gayundin ang namamatay sakit.

Sa datos ng DOH nitong Nobyembre 15, nasa 73 milyong Pinoy na ang bakunado,, kabilang ang 20.8 na tumanggap ng booster shots.

"We need to be very certain about this immunity among the population before we can really say, and the criteria has been fulfilled, na talagang sinasabi natin na endemic state na tayo," dagdag pa ni Vergeire.