Binigyang-pugay ng aktor na si Matteo Guidicelli ang kaniyang asawang si Sarah Geronimo sa national television nitong Miyerkules.

Sa H.O.P.E segment ng "Tropang LOL," tila naka-relate si Matteo sa storya ng dating magkasintahan ng 10 taon na sina Lionel at Maricar, na lumaban para sa kanilang relasyon sa kabila ng pagtutol ng pamilya ni Lionel.

“That’s the beauty of love. Sa pag-ibig, mari-realize talaga natin na hindi tayo perfect as an individual. Pero kapag dumating ang tao na talagang swak sa ‘yo — parang puzzle lang yang pag-ibig, eh — dapat magtulungan kayo para maging buo at maging isa kayo. Can I add something also – very, very nice to that? I really put so much respect on people like you; people like you also, brother, that goes against all odds. This is a true example of people, like you, that are so brave," sey ni Matteo.

"I’d like to also give it up to my wife, that she went against all odds for me. At the end of the day, love is the decision of two individuals, not about the people in the family or the people around them anymore. It’s about you and your partner," dagdag pa niya. 

Eleksyon

Paglaban sa mga 'pusit,' iiwang legasiya ni Rep. Castro sa kongreso

Nagbigay rin ng advice si Matteo para sa dalawang dating magkasintahan.

“Always put God in the middle. Always respect each other. Kung meant to be ‘yan, darating ang panahon na magiging kayo ulit.”

Matatandaang noong Pebrero 2020 nang sikretong ikinasal sina Matteo at Sarah. 

Kamakailan lang, matapos ang dalawang taong isyu, humingi ng tawad si Sarah sa kaniyang pamilya.

“Sa aking mga magulang, walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay ninyo sa akin, sa aming magkakapatid. lahat ng suporta at pag-aaruga… ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang puwedeng makapagpunan po nito.”

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/10/29/sarah-geronimo-nag-public-apology-sa-mga-magulang-matapos-ang-dalawang-taon/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/29/sarah-geronimo-nag-public-apology-sa-mga-magulang-matapos-ang-dalawang-taon/