Nagbahagi ng isang video ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at aktor na si Gabby Concepcion na si KC Concepcion habang nasa Dubai Mall ito, Nobyembre 14.

Ipinasilip ni KC ang kaniyang mga ganap ngayon, gayundin ang masasarap na pagkaing inorder doon.

"A day in Dubai 🇦🇪 Lunch at @zumadubai + shopping at @thedubaimall - the second largest mall in the world!!!" ani KC sa kaniyang caption.

"(Ang sakit ng paa ko kakalakad omgggg 😝 But, naka more than 10,000 steps ako today, in fair)."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marami naman sa mga netizen na tila naninirahan o nasa Dubai ang nag-welcome kay KC.

Ngunit may ilang mga netizen ang nakapansing sa unang tingin, inakala nilang ang dating momshie ng morning talk show na "Magandang Buhay" na si Karla Estrada ang nakita nila sa snaps.

"I thought it was Karla Estrada at first! Beautiful!" sey ng isang nagkomento.

"Me too!" segunda naman ng isa.

"Same. At first glance I thought it was Karla E too."

"OMG me too!"

"Same.."

"Same din… itsurang karla estrada talaga eh."

Bagay na napag-usapan naman ng co-hosts na sina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio program na "Cristy Ferminute".

Ayon kay Cristy, malamang daw ay naihambing ng mga netizen ang timbang o weight nina KC at Karla kaya nasabing magkahawigan na sila. Bagay na wala naman umanong masama dahil parehong maganda ang dalawang celebrity.

"Ito totoo 'to at galing sa puso, hindi po nakakahiya na itulad ang hitsura ni KC kay Karla Estrada. Pareho po silang maganda. Pareho po silang maganda sa pananaw po natin. Harapan at talikuran, maganda rin si Karla Estrada. Siguro ang pinagbabasehan dito ay ang kanilang bigat, ang kanilang weight.”

"Ako inuulit ko, big bone si KC, parang si Sharon din eh,” ani Cristy.

"Opo, at saka 'di ba Nay nabanggit na rin natin na meron kasi siyang sakit? 'Yung gamot na iniinom niya nakakaapekto sa pagtaba niya," segunda naman ni Romel Chika.

Sumang-ayon naman dito ang showbiz columnist at ginawang halimbawa si Angel Locsin.

"Totoo 'yan, parang si Angel Locsin, di ba? Bakit hindi agad-agad nakakapagbawas ng timbang. Meron pong pinangangalagaan na ibang bahagi ng kanilang katawan na magiging kontra doon sa pagda-diet. Ngayon si Karla naman, aba'y magandang karangalan na magkamukha sila ni KC,” pahayag ni Cristy.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina KC at Karla tungkol dito.