Napagkuwentuhan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang showbiz vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang mahusay na pagganap ng aktor na si Christian Bables sa gay roles na ibinibigay sa kaniya.

Napanood kasi ng dalawa ang pelikulang "Mahal Kita, Beksman" na unang pagsasama nila sa pelikula ni Kempee De Leon, na gumanap ding gay sa naturang proyekto.

Dito ay napag-usapan ng dalawa na marami na raw ang nagtatanong at nang-iintriga kay Christian sa kung ano ba talaga ang preference nito. Ang galing-galing kasi niyang gumanap bilang isang beki, simula pa noong "Die Beatiful" na pinagsamahan nila ni Paolo Ballesteros.

Kaya naman sa isang video interview ay binasag na ni Christian ang kaniyang katahimikan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"If you think that I am good in what I do, thank you! I appreciate that po," nakangiting pasasalamat ni Christian.

"Maraming salamat. Malaking bagay 'yun para sa amin na ma-appreciate yung aming hard work pagdating sa aming craft. With the question 'Ano ba talaga si Christian Bables?' Well, I identify (myself) as a straight guy, a straight man. My preference, and my attraction is with the opposite sex."

Basahin:

https://balita.net.ph/2022/11/16/christian-bables-epektibo-sa-pagganap-ng-beki-roles-ano-nga-ba-ang-preference/">https://balita.net.ph/2022/11/16/christian-bables-epektibo-sa-pagganap-ng-beki-roles-ano-nga-ba-ang-preference/

Subalit, bukas naman daw sa ideya na baka-sakaling magkagusto rin siya sa same sex.

"But, kung isang araw, i-switch ni God ang puso ko, sabihin niya 'Christian, bibigyan kita ng special ability at another blessing na to be able to appreciate and romantically be attracted or love sa same sex, a person of the same sex, wala akong magiging objection doon…" aniya pa.