Napuno ng excitement ang mga tagasubaybay ng “Everybody, Sing!” matapos nitong maglabas ng teaser kung saan tila limang Vice Ganda ang magho-host sa susunod na episode ng weekend musical game show.

“We are the ‘GGSS’ sisters!”, kuwelang pagbati ng hosts sa harap ng “Songbayanang” kambal o triplets sa siyang mga maglalaro sa nasabing game show.

Agad namang napansin ng netizens ang paandar ni Meme Vice at kinumpara pa ito sa drag queen na si Xilhouete.

“Xilhouete with her drag daughters,” lahad ni Benedict Martin mula sa isang Facebook group.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Mismong Twitter account naman ng “Everybody, Sing” ay nag-retweet na dapat abangan sa paparating na weekend ang kanilang programa.

https://twitter.com/everybodysingph/status/1591770281982689283?s=46&t=F2NLwnA3_G5YpEIImPGh8Q

Mapapanood ang “Everybody, Sing” alas siyete ng gabi tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.